20Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong naghahangad ng kapayapaan.
21Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhan ang mararanasan.
22Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.
23Hindi ipinagyayabang ng taong maalam ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.
24Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.