Mga Kawikaan 12

Hindi ipinagyayabang ng taong maalam ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.

Proverbs 12:23 (UKJV) A prudent man conceals knowledge: but the heart of fools proclaims foolishness.

21Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhan ang mararanasan.

22Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.

23Hindi ipinagyayabang ng taong maalam ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.

24Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.

25Ang kabalisahan sa puso ng isang tao ay nakapagpapalungkot, ngunit kaaaliwan nito ang mabuting salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.