23Hindi ipinagyayabang ng taong maalam ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.
24Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.
25Ang kabalisahan sa puso ng isang tao ay nakapagpapalungkot, ngunit kaaaliwan nito ang mabuting salita.
26Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama.
27Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap.