13Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan.
14Ang mga turo ng taong matalino ay bukal ng buhay, ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.
15Ang taong may mabuting pang-unawa ay iginagalang, ngunit ang taong taksil ay kapahamakan ang kahahantungan.
16Ang taong maalam, itinatago ang karunungan ngunit ang taong hangal, inilalantad ang kanyang kahangalan.
17Ang masamang sugo ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagpapabuti ng ugnayan.