Mga Kawikaan 13

Ang taong maalam, itinatago ang karunungan ngunit ang taong hangal, inilalantad ang kanyang kahangalan.

Proverbs 13:16 (UKJV) Every prudent man deals with knowledge: but a fool lays open his folly.

14Ang mga turo ng taong matalino ay bukal ng buhay, ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.

15Ang taong may mabuting pang-unawa ay iginagalang, ngunit ang taong taksil ay kapahamakan ang kahahantungan.

16Ang taong maalam, itinatago ang karunungan ngunit ang taong hangal, inilalantad ang kanyang kahangalan.

17Ang masamang sugo ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagpapabuti ng ugnayan.

18Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay daranas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.