Mga Kawikaan 13

Ang puso ng tamad ay puno ng hangarin, na hindi niya makakamtan, ngunit ang inaasam ng masipag ay tiyak na matutugunan.

Proverbs 13:4 (UKJV) The soul of the sluggard desires, and has nothing: but the soul of the diligent shall be made fat.

2Ang taong nagsasalita ng mabuti ay gagantihan ng mabuting bagay, ngunit ang salita ng taong hindi tapat ay gagantihan ng karahasan.

3Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.

4Ang puso ng tamad ay puno ng hangarin, na hindi niya makakamtan, ngunit ang inaasam ng masipag ay tiyak na matutugunan.

5Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.

6Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.