Mga Kawikaan 13

Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.

Proverbs 13:3 (UKJV) He that keeps his mouth keeps his life: but he that opens wide his lips shall have destruction.

1Ang matalinong anak ay nakikinig sa pangaral ng kanyang ama, ngunit ang mapangkutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.

2Ang taong nagsasalita ng mabuti ay gagantihan ng mabuting bagay, ngunit ang salita ng taong hindi tapat ay gagantihan ng karahasan.

3Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.

4Ang puso ng tamad ay puno ng hangarin, na hindi niya makakamtan, ngunit ang inaasam ng masipag ay tiyak na matutugunan.

5Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.