Mga Kawikaan 14

Ang bawat puso ang nakakaalam ng kanyang sariling kabiguan, at walang ibang makakabahagi sa kanyang kagalakan.

Proverbs 14:10 (UKJV) The heart knows his own bitterness; and a stranger does not intermeddle with his joy.

8Ang taong maalam ay naiintindihan ang nais niyang patunguhan, ngunit ang hangal, sarili ang nililinlang.

9Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Diyos.

10Ang bawat puso ang nakakaalam ng kanyang sariling kabiguan, at walang ibang makakabahagi sa kanyang kagalakan.

11Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid.

12Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.