7Iwasan mo ang mga hangal sapagkat wala kang mabuting matututunan sa kanila.
8Ang taong maalam ay naiintindihan ang nais niyang patunguhan, ngunit ang hangal, sarili ang nililinlang.
9Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Diyos.
10Ang bawat puso ang nakakaalam ng kanyang sariling kabiguan, at walang ibang makakabahagi sa kanyang kagalakan.
11Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid.