Mga Kawikaan 14

Ang taong maalam ay naiintindihan ang nais niyang patunguhan, ngunit ang hangal, sarili ang nililinlang.

Proverbs 14:8 (UKJV) The wisdom of the prudent is to understand his way: but the folly of fools is deceit.

6Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo.

7Iwasan mo ang mga hangal sapagkat wala kang mabuting matututunan sa kanila.

8Ang taong maalam ay naiintindihan ang nais niyang patunguhan, ngunit ang hangal, sarili ang nililinlang.

9Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Diyos.

10Ang bawat puso ang nakakaalam ng kanyang sariling kabiguan, at walang ibang makakabahagi sa kanyang kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.