Mga Kawikaan 14

Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong maalam kung ano ang mabuti at masama.

Proverbs 14:18 (UKJV) The simple inherit folly: but the prudent are crowned with knowledge.

16Ang matalinoʼy may takot sa Panginoon at itinatakwil ang kasamaan, ngunit ang hangal ay mainitin ang ulo at walang kinatatakutan.

17Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang nagbabalak ng masama ay kinapopootan.

18Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong maalam kung ano ang mabuti at masama.

19Ang taong masama ay yuyuko sa taong matuwid at magsusumamong siya ay kahabagan.

20Ang mga mahirap kadalasan ay hindi kinakaibigan kahit ng kanyang kapitbahay, ngunit ang mga mayaman ay maraming kaibigan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.