Mga Kawikaan 14

Ang matalinoʼy may takot sa Panginoon at itinatakwil ang kasamaan, ngunit ang hangal ay mainitin ang ulo at walang kinatatakutan.

Proverbs 14:16 (UKJV) A wise man fears, and departs from evil: but the fool rages, and is confident.

14Ang tao ay tatanggap ng nararapat sa kanya kung ano ang ginawa niya, mabuti man o masama.

15Pinaniniwalaan ng taong wala sa katinuan ang lahat ng kanyang napapakinggan, ngunit ang taong maalam umunawa ay pinag-iisipan ang kanyang napakinggan.

16Ang matalinoʼy may takot sa Panginoon at itinatakwil ang kasamaan, ngunit ang hangal ay mainitin ang ulo at walang kinatatakutan.

17Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang nagbabalak ng masama ay kinapopootan.

18Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong maalam kung ano ang mabuti at masama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.