15Pinaniniwalaan ng taong wala sa katinuan ang lahat ng kanyang napapakinggan, ngunit ang taong maalam umunawa ay pinag-iisipan ang kanyang napakinggan.
16Ang matalinoʼy may takot sa Panginoon at itinatakwil ang kasamaan, ngunit ang hangal ay mainitin ang ulo at walang kinatatakutan.
17Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang nagbabalak ng masama ay kinapopootan.
18Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong maalam kung ano ang mabuti at masama.
19Ang taong masama ay yuyuko sa taong matuwid at magsusumamong siya ay kahabagan.