Mga Kawikaan 14

Ang nagbabalak ng masama sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang nagpaplano nang mabuti ay dadamayan at mamahalin ng kapwa.

Proverbs 14:22 (UKJV) Do they not go astray that devise evil? but mercy and truth shall be to them that devise good.

20Ang mga mahirap kadalasan ay hindi kinakaibigan kahit ng kanyang kapitbahay, ngunit ang mga mayaman ay maraming kaibigan.

21Ang humahamak sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang tumutulong sa dukha ay pinagpapala.

22Ang nagbabalak ng masama sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang nagpaplano nang mabuti ay dadamayan at mamahalin ng kapwa.

23Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.

24Ang karangalan ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kahangalan ng mga hangal ay lalo pang madadagdagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.