Mga Kawikaan 14

Ang karangalan ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kahangalan ng mga hangal ay lalo pang madadagdagan.

Proverbs 14:24 (UKJV) The crown of the wise is their riches: but the foolishness of fools is folly.

22Ang nagbabalak ng masama sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang nagpaplano nang mabuti ay dadamayan at mamahalin ng kapwa.

23Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.

24Ang karangalan ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kahangalan ng mga hangal ay lalo pang madadagdagan.

25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang saksing sinungaling.

26Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.