23Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.
24Ang karangalan ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kahangalan ng mga hangal ay lalo pang madadagdagan.
25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang saksing sinungaling.
26Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.
27Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa bitag ng kamatayan.