Mga Kawikaan 14

Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit na ano tungkol sa karunungan.

Proverbs 14:33 (UKJV) Wisdom rests in the heart of him that has understanding: but that which is in the midst of fools is made known.

31Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Diyos na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Diyos.

32Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadiyos.

33Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit na ano tungkol sa karunungan.

34Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bayan, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa.

35Sa matalinong lingkod ang hari ay nalulugod, ngunit sa hangal na lingkod siya ay napopoot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.