30Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.
31Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Diyos na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Diyos.
32Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadiyos.
33Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit na ano tungkol sa karunungan.
34Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bayan, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa.