Mga Kawikaan 14

Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Diyos na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Diyos.

Proverbs 14:31 (UKJV) He that oppresses the poor reproaches his Maker: but he that honors him has mercy on the poor.

29Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.

30Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.

31Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Diyos na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Diyos.

32Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadiyos.

33Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit na ano tungkol sa karunungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.