Mga Kawikaan 15

Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasamâ ay mawawala.

Proverbs 15:6 (UKJV) In the house of the righteous is much treasure: but in the revenues of the wicked is trouble.

4Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.

5Hindi pinapansin ng taong hangal ang pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang taong marunong, sumusunod sa mga paalala sa kanya.

6Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasamâ ay mawawala.

7Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang.

8Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasamâ, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.