Mga Kawikaan 15

Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasamâ, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.

Proverbs 15:8 (UKJV) The sacrifice of the wicked is an abomination to the LORD: but the prayer of the upright is his delight.

6Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasamâ ay mawawala.

7Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang.

8Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasamâ, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.

9Kinamumuhian ng Panginoon ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.

10Minamasama ng taong naliligaw ng landas kapag itinutuwid siya. Ang taong umaayaw sa mga pagtutuwid ay mamamatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.