Mga Kawikaan 15

Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang.

Proverbs 15:7 (UKJV) The lips of the wise disperse knowledge: but the heart of the foolish does not so.

5Hindi pinapansin ng taong hangal ang pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang taong marunong, sumusunod sa mga paalala sa kanya.

6Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasamâ ay mawawala.

7Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang.

8Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasamâ, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.

9Kinamumuhian ng Panginoon ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.