Mga Kawikaan 16

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang mga gagawin mo, at magtatagumpay ka sa iyong mga plano.

Proverbs 16:3 (UKJV) Commit your works unto the LORD, and your thoughts shall be established.

1Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.

2Ang akala ng taoʼy mabuti ang kanyang mga ginagawa, ngunit sinusuri ng Panginoon ang tunay na hangarin niya.

3Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang mga gagawin mo, at magtatagumpay ka sa iyong mga plano.

4Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasamâ, itinalaga sila para sa kapahamakan.

5Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.