Mga Kawikaan 16

Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasamâ, itinalaga sila para sa kapahamakan.

Proverbs 16:4 (UKJV) The LORD has made all things for himself: yea, even the wicked for the day of evil.

2Ang akala ng taoʼy mabuti ang kanyang mga ginagawa, ngunit sinusuri ng Panginoon ang tunay na hangarin niya.

3Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang mga gagawin mo, at magtatagumpay ka sa iyong mga plano.

4Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasamâ, itinalaga sila para sa kapahamakan.

5Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.

6Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makakalayo tayo sa kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.