19Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid na nasaktan. Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.
20Sa bunga ng bibig ng tao, mabubusog ang kanyang tiyan. At sa kahihinatnan ng salitang kanyang binibitawan, siya ay nasisiyahan.
21Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay nakamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
22Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.
23Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.