Mga Kawikaan 18

Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.

Proverbs 18:22 (UKJV) Whoso finds a wife finds a good thing, and obtains favour of the LORD.

20Sa bunga ng bibig ng tao, mabubusog ang kanyang tiyan. At sa kahihinatnan ng salitang kanyang binibitawan, siya ay nasisiyahan.

21Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay nakamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.

22Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.

23Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.

24May mga kaibigang nagdudulot ng kapahamakan ngunit may kaibigan mas malapít pa kaysa sa kapatid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.