5Hindi mabuting kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuting ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.
6Ang sinasabi ng taong hangal ang pinagsisimulan ng alitan at magdadala sa kanya sa kaguluhan.
7Ang mga sinasabi ng hangal ang magpapahamak sa kanya at ang kanyang mga labi ay bitag sa kanyang buhay.
8Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin; at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
9Ang taong tamad magtrabaho, pareho ng mapanirang tao.