7Ang mga sinasabi ng hangal ang magpapahamak sa kanya at ang kanyang mga labi ay bitag sa kanyang buhay.
8Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin; at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
9Ang taong tamad magtrabaho, pareho ng mapanirang tao.
10Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
11Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan tulad ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.