Mga Kawikaan 20

Ang espiritu ng tao ay parang ilaw ng Panginoon na sumisiyasat sa kaloob-looban ng pagkatao.

Proverbs 20:27 (UKJV) The spirit of man is the candle of the LORD, searching all the inward parts of the belly.

25Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti, baka magsisi ka sa bandang huli.

26Tinitiyak ng isang matalinong hari na malaman kung sino ang gumagawa ng kasamaan at pagkatapos, silaʼy parurusahan.

27Ang espiritu ng tao ay parang ilaw ng Panginoon na sumisiyasat sa kaloob-looban ng pagkatao.

28Ang haring mabuti at tapat ay hindi mapapahamak, at magtatagal siya sa kanyang luklukan.

29Karangalan ng kabataan ang kanilang kalakasan, at karangalan naman ng matatanda ang kanilang katandaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.