1Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan kaysa sa maraming kayamanan. Ang paggalang ng tao sa iyo ay mas mahalaga pa kaysa pilak at ginto.
2Ang Panginoon ang lumikha sa tao, mayaman man o mahirap.
3Ang taong maalam ay umiiwas kung may panganib, ngunit ang wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya napapahamak.
4Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.