Mga Kawikaan 22

Ang taong maalam ay umiiwas kung may panganib, ngunit ang wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya napapahamak.

Proverbs 22:3 (UKJV) A prudent man forsees the evil, and hides himself: but the simple pass on, and are punished.

1Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan kaysa sa maraming kayamanan. Ang paggalang ng tao sa iyo ay mas mahalaga pa kaysa pilak at ginto.

2Ang Panginoon ang lumikha sa tao, mayaman man o mahirap.

3Ang taong maalam ay umiiwas kung may panganib, ngunit ang wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya napapahamak.

4Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.

5Lumalakad ang taong masama sa daang matinik at may mga patibong. Ang nag-iingat sa sarili ay umiiwas sa daang iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.