Mga Kawikaan 25

Kung nasa harapan ka ng hari, huwag mong ipagyabang ang iyong sarili o di kayaʼy ilugar ang sarili sa mga dakilang nanunungkulan.

Proverbs 25:6 (UKJV) Put not forth yourself in the presence of the king, and stand not in the place of great men:

4Ang dumi sa pilak ay tanggalin upang ang panday ay magawa itong gamitin.

5Kailangang alisin ang masasamang tauhan ng hari upang magpatuloy ang katuwiran sa kanyang kaharian.

6Kung nasa harapan ka ng hari, huwag mong ipagyabang ang iyong sarili o di kayaʼy ilugar ang sarili sa mga dakilang nanunungkulan.

7Mas mabuti kung siya ang magsabi, “Halika dito sa aking tabi,” kaysa ipahiya ka sa harap ng mga maharlika.

8Huwag kang magpabigla-biglang magsabi sa korte ng iyong nakita. Kung mapatunayan ng isang saksi na mali ka, ano na lang ang gagawin mo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.