19Ang masipag magsaka ng kanyang lupain ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang naghahabol sa mga bagay na walang saysay ay masasadlak sa kahirapan.
20Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala, ngunit ang taong nagmamadaling yumaman ay parurusahan.
21Hindi mabuti ang may kinikilingan, ngunit may mga gumagawa nito dahil sa kaunting suhol.
22Nagmamadaling yumaman ang taong sa pera ay gahaman, ngunit ang hindi niya alam patungo pala siya sa kahirapan.
23Pasasalamatan ka pa ng tao sa huli kapag sinaway mo siya nang tapat kaysa panay ang papuri mo sa kanya kahit hindi nararapat.