Mga Kawikaan 28

Pasasalamatan ka pa ng tao sa huli kapag sinaway mo siya nang tapat kaysa panay ang papuri mo sa kanya kahit hindi nararapat.

Proverbs 28:23 (UKJV) He that rebukes a man afterwards shall find more favour than he that flatters with the tongue.

21Hindi mabuti ang may kinikilingan, ngunit may mga gumagawa nito dahil sa kaunting suhol.

22Nagmamadaling yumaman ang taong sa pera ay gahaman, ngunit ang hindi niya alam patungo pala siya sa kahirapan.

23Pasasalamatan ka pa ng tao sa huli kapag sinaway mo siya nang tapat kaysa panay ang papuri mo sa kanya kahit hindi nararapat.

24Ang taong nagnanakaw sa magulang at sasabihing hindi iyon kasalanan ay walang pinagkaiba sa isang kriminal.

25Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.