23Pasasalamatan ka pa ng tao sa huli kapag sinaway mo siya nang tapat kaysa panay ang papuri mo sa kanya kahit hindi nararapat.
24Ang taong nagnanakaw sa magulang at sasabihing hindi iyon kasalanan ay walang pinagkaiba sa isang kriminal.
25Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.
26Hangal ang taong nagtitiwala sa kanyang sariling kakayahan. Ang taong namumuhay na may karunungan ay ligtas sa kapahamakan.
27Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay tiyak na susumpain.