9Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani.
10Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.
11Anak, huwag mong mamasamain kapag itinutuwid ka ng Panginoon. Huwag mong kasuklaman ang kanyang pagsaway.
12Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.
13Pinagpala ang mga taong natagpuan ang karunungan, gayundin ang mga taong nakamtan ang kaunawaan.