Mga Kawikaan 3

Pinagpala ang mga taong natagpuan ang karunungan, gayundin ang mga taong nakamtan ang kaunawaan.

Proverbs 3:13 (UKJV) Happy is the man that finds wisdom, and the man that gets understanding.

11Anak, huwag mong mamasamain kapag itinutuwid ka ng Panginoon. Huwag mong kasuklaman ang kanyang pagsaway.

12Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.

13Pinagpala ang mga taong natagpuan ang karunungan, gayundin ang mga taong nakamtan ang kaunawaan.

14Sapagkat mas mainam pa ito kaysa pilak, at mas higit pa ang bunga nito kaysa ginto,

15at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.