Mga Kawikaan 3

Sapagkat mas mainam pa ito kaysa pilak, at mas higit pa ang bunga nito kaysa ginto,

Proverbs 3:14 (UKJV) For the merchandise of it is better than the merchandise of silver, and the gain thereof than fine gold.

12Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.

13Pinagpala ang mga taong natagpuan ang karunungan, gayundin ang mga taong nakamtan ang kaunawaan.

14Sapagkat mas mainam pa ito kaysa pilak, at mas higit pa ang bunga nito kaysa ginto,

15at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito.

16Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.