6Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
7Huwag mong isiping napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.
8Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan.
9Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani.
10Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.