1Ito ang mga kawikaan at pahayag ni Agur na anak ni Jakeh. Sinabi niya: “Panginoon, ako po ay pagod. Pagod na pagod na po ako at hinang-hina na.
2Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao. Ang isip koʼy parang hindi sa tao.
3Hindi ko natutunan ang karunungan, at hindi ko nakamtan ang katalinuhan ng Nag-iisang Banal.