Mga Kawikaan 30

Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao. Ang isip koʼy parang hindi sa tao.

Proverbs 30:2 (UKJV) Surely I am more brutish than any man, and have not the understanding of a man.

1Ito ang mga kawikaan at pahayag ni Agur na anak ni Jakeh. Sinabi niya: “Panginoon, ako po ay pagod. Pagod na pagod na po ako at hinang-hina na.

2Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao. Ang isip koʼy parang hindi sa tao.

3Hindi ko natutunan ang karunungan, at hindi ko nakamtan ang katalinuhan ng Nag-iisang Banal.

4May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo? May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit? May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo? Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.