13May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino.
14May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15“Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, ‘Bigyan mo ako!’ “May tatlong bagay na hindi nakokontento, apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:
16ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’
17“Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.