Mga Kawikaan 30

“Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.

Proverbs 30:17 (UKJV) The eye that mocks at his father, and despises to obey his mother, the ravens of the valley shall pick it out, and the young eagles shall eat it.

15“Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, ‘Bigyan mo ako!’ “May tatlong bagay na hindi nakokontento, apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:

16ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’

17“Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.

18“May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha, apat na hindi ko maunawaan:

19Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa isang dalaga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.