Mga Kawikaan 30

Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa isang dalaga.

Proverbs 30:19 (UKJV) The way of an eagle in the air; the way of a serpent upon a rock; the way of a ship in the midst of the sea; and the way of a man with a maid.

17“Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.

18“May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha, apat na hindi ko maunawaan:

19Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa isang dalaga.

20“Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niya, ‘Wala akong ginagawang masama.’

21“May tatlong bagay na sa daigdig ay yumayanig, apat na bagay na hindi nito matitiis,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.