Mga Kawikaan 30

ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’

Proverbs 30:16 (UKJV) The grave; and the barren womb; the earth that is not filled with water; and the fire that says not, It is enough.

14May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.

15“Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, ‘Bigyan mo ako!’ “May tatlong bagay na hindi nakokontento, apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:

16ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’

17“Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.

18“May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha, apat na hindi ko maunawaan:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.