20“Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niya, ‘Wala akong ginagawang masama.’
21“May tatlong bagay na sa daigdig ay yumayanig, apat na bagay na hindi nito matitiis,
22Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain,
23ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
24“Dito sa lupa ay may apat na nilalang, na salat sa laki ngunit pambihira ang katalinuhan: