Mga Kawikaan 4

Kapag ikaw ay naglalakad, walang haharang sa iyong mga hakbang. Kapag ikaw ay tumatakbo, hindi ka matatalisod.

Proverbs 4:12 (UKJV) When you go, your steps shall not be straitened; and when you run, you shall not stumble.

10Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay.

11Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.

12Kapag ikaw ay naglalakad, walang haharang sa iyong mga hakbang. Kapag ikaw ay tumatakbo, hindi ka matatalisod.

13Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.

14Huwag mong susundan ang daan ng mga masasamâ. Huwag mong gagayahin ang ginagawa nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.