9Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
10Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay.
11Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.
12Kapag ikaw ay naglalakad, walang haharang sa iyong mga hakbang. Kapag ikaw ay tumatakbo, hindi ka matatalisod.
13Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.