7Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo.
8Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan.
9Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
10Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay.
11Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.