13Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.
14Huwag mong susundan ang daan ng mga masasamâ. Huwag mong gagayahin ang ginagawa nila.
15Iwasan mo ito at huwag itong dadaan. Talikuran mo ito at magpatuloy sa matuwid na daan.
16Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.
17Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.